Sa aking paglalakad sa kahabaan ng bangketa ng Shaw Blvrd, ang iyong lingkod ay mayroong nakalap ng balita patungkol sa ating minamahal na departamento.
Ako'y nagalak sa aking nabalitaan na ang isa sa ating kasamahan ay merong kinababaliwan na babae. Ako'y lubos na sorprays sa pangyayaring ito dahil sa ang bruskong binatang ito ay malimit makisalamuha sa mga magagandang babae. Kadalasan, itong binatang ito ay nakikipag halubilo sa kanyang mga matipunong kaibigan sa kanilang napakahusay na kupunan, ang Team RT. Kahit nga ang inyong lingkod ang kanyang minsan tinatawag na "Fafa Dyer" kaya naman ako'y namangha dahil ang binatang ito ay naeenlab sa isang dalaga.
Anyway, Sino kaya ang bruskong binata na ito? Well, its for you to know and for everybody to find out. Ahahahaha!
Hanggang sa muli!